Alamat Ng Kamatis (Buod)


Home / Alamat Ng Kamatis (Buod)

enter image description here

Source: Google Images

Noong unang panahon, may isang babaeng nag ngangalang Kamalia. Si Kamalia ay masasabing di pinalad sa buhay. May asawa''t anak na si Kamalia ngunit siya''y laging nag titiis sa katakot takot na paghihirap.

Maraming bisyo ang mister ni Kamalia at binubugbog sya nito kapag walang maibigay na pera.

Dahil salat sa pambili ng makakain, pumasok si Kamalia bilang labandera ng kalapit bahay.

Nung malaman ng kanyang asawa ay palaging kinukuha nito ang kanyang kita. At madalas lang nitong ubusin sa sugal at alak.

May mga naaawang kapit bahay kay Kamalia kaya''t binigbigyan nila ito ng mga lumang damit at pagkain.

Ganoon na lamang ang galit ng mister ni Kamalia ng malaman ito. Ayaw nito na humihingi ng tulong si Kamalia sa mga kapitbahay.

Pinagsabihan si Kamalia na kapag tumanggap muli ay sasaktan sya nito.

Mula noon, hindi na nag alok ng tulong ang kapitbahay ni Kamalia sapagkat sasaktan lamang ito ng asawa.

Naawa ang panganay na anak ni Kamalia sa ina kaya''t napilitan din itong mag trabaho. Nang malaman ng ama ay ganoon din ang ginawa nito. Kinuha ang kinitang pera.

Dahil sa patong patong na kahirapan ay nagkasakit si Kamalia at kalaunay namatay din ito.

Ang labi ni Kamalia ay inilibing sa kanilang bakuran.

Hindi nagtagal ay may isang misteryosong halaman ang tumubo, ang bunga nito''y mapupula.

Nang tikman nila, sila ay nasarapan sa bunga.

Dumami ng dumami ang bunga at ito''y ipinagbili ng magkakapatid sa mga taga bayan.

Bumuti ang kanilang buhay at nagbago na rin ang ugali ng kanilang ama. Nagsisi ito sa nagawang pag kukulang.

Ang halamang nagbibigay ng bagong buhay sa mga anak ni Kamalia ay tinawag na "kamatis". Ito''y hango sa pangalang ni Kamalia at sa kanyang pagtitis.

Kamalia at Pagtitiis.

Reference