MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Langgam At Tipaklong

Alamat Ng Langgam At Tipaklong

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, may dalawang magkaibigan. Ito ay sina Langgam at Tipaklong. Isang pangkaraniwang araw na kay Langgam ang pag iimbak ng pagkain.

Walang tigil si Langgam sa pag iipon nito at ika nya'y walang masamang mag impok sapagkat pagdating ng tag gutom ay mayroon syang makakain.

Kabaligtaran naman nito ang kanyang kaibigan na si Tipaklong. Walang itong ginawa kundi kumanta at mag tatalon sa palayan. Halos araw-araw ay laro ang inatupag nang kanyang kaibigan na si Tipaklong.

"Kaibigang Langgam, halina at tayo'y maglaro. Napapakagod yang ginagawa mo, samahan mo akong maglaro" Saad ng natutuwa at patalon talon na si Tipaklong

Umiiling na tumanggi si Langgam habang may hawak itong malaking tipak ng pagkain. Patuloy si Langgam sa kanyang paghahakot ng pagkain at patuloy din si Tipaklong sa kanyang paglalaro sa palayan.

Lumipas na ang tag-init at tila may nagbabadyang ulan sa lugar nina Langgam at Tipaklong.

Maya maya pa ay bumuhos na nga ang napakalakas na ulan. Agad na nagtago si Langgam sa kanyang bahay kasama ng kanyang mga naipong pagkain. Ilang araw na walang tigil ang ulan ngunit hindi naging problema ito kay Langgam sapagkat marami syang naimpok na pagkain.

"Kaibigang Langgam! tulungan mo ako!" saad ng basang basang si Tipaklong sa labas ng kanyang bahay.

"Ilang araw na akong walang makain, maaari mo ba akong mabigyan ng konting pagkain?" saad ng nakakaawang si Tipaklong

Hindi nagdalawang isip si Langgam at pinapasok nya ng bahay si Tipaklong at kanya itong pinakain.

Lubos na nagsisi ang kawawang si Tipaklong.


Iba pang Alamat na babasahin

Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin [Buod]

Alamat ng Palay Version 1 [Buod]