Paano Manligaw?

enter image description here

Source: Google Images

Paano nga ba manligaw ng babae? well lahat naman siguro satin dumaan sa stage na yan hanggang sa mapasagot ang ating nililigawan. Dati nung panahon pa ng mga lolo at lola natin kailangan mo pa ipagsibak ng kahoy at haranahin ang babae pero ngayon syempre iba na. Panahon na ng millennials.

Sa Pilipinas, natural na satin na lalaki ang gumagawa ng move o diskarte sa babae.

May mga cases siguro na babae nanligaw sa lalake kung ang mga sumusunod ay

  1. Gwapo ang lalake
  2. Gwapo ang lalake

Oo tama. pag pogi ka, babae na nagpapakita minsan ng motibo. Though, I don't generalized pero ayun yung totoo eh haha. Sa totoo lang pamantayan naman talaga sa ngayon eh itsura. Wala namang naiinlab sa "Kagandahang loob at first sight"

Lagi may kasamang itsura basehan.

Pero paano nga ba manligaw ng babae kung ordinaryo lang itsura mo? ayan din naging problema ko dati haha. takot ako sa babae. wala akong self confidence napakababa ng self-esteem. Ang mga ipapayo ko sa inyo ay base sa experienced ko.

Mga dapat gawin mo

1.) Make yourself better. Oo gawin mong maayos sarili mo. Maligo ka araw-araw, magpabango, mag gym ka. Mas gusto ng mga babae ang medyo "yummy" kumbaga. Lalo na kung neat ka tignan, basta gawin mo yung bagay na sa tingin mo eh magiging proud sayo nililigawan mo na ipakilala ka sa mga magulang nya.

2.) Mag-aral na mabuti. Kung estudyante ka pa lang, sinasabi ko sayo pagbutihin mo na ang pag-aaral mo para pag nakatapos ka, malaki ang tsansa na magkaroon ka nang magandang trabaho. Sino ba naman ang magkakagusto sa bulakbulero???

3.) Kung tapos kana nang pag-aaral. well maghanap kana nang trabaho. Syempre saan ka naman kukuha ng pera pang date? Maliban na lang kung mayaman si mama't papa. Pero mas maganda pa din na may sarili kang

pinagkukunan para naman makita ng girl na responsable ka. Sino ba naman magkakagusto sa tambay at walang trabaho?

4.) Kung di naman nakatapos, just make sure na may stable kang pinagkukunan ng pera mahirap gumalaw ng walang pera. Anung ipapakain

mo sa nililigawan mo pag nag date kayo? lugaw? eh paano pag naging mag-asawa na kayo anung kakainin ng pamilya nyo? lugaw? haha.

Yang 1-4 ay mga conditions na dapat eh nasunod mo. Punta naman tayo sa diskarte moves.

1.) Magpakilala ka. Oo kung may balak kang pormahan, kilalanin mo. wag kang mahihiyang magtanong (ritemed???). Kung kaklase or katrabaho mo sya, i-add mo sya sa FB tapos mag "Hi" ka. wala namang mawawala kung mag Hi ka.

2.) Investigate. Bago ka manligaw alamin mo muna kung may BF or asawa na yang liligawan mo. No more explanations needed. haha.

3.) Magpatawa ka. Then kung andun na kayo sa stages ng "Hi" and "Hello" at nalaman mong wala syang BF/Asawa. make yourself a "comedian" humanap ka ng mga nakakatawang banat, jokes, at kung anu-anu pang bagay na nakakatawa. Ayan kasi gusto ng mga babae yung napapatawa sila. Sa ganung paraan magiging komportable sila sayo.

4.) Consistency is key. Kung seryoso ka talaga at gustong gusto mo yang nililigawan mo, maging consistent ka pag cha-chat, pagtetext, pangangamusta kung kumain na ba sya. Pero wag mo sosobrahan as in itatanong every minute kung ano ginagawa nya. Baka isipin ng girl masyado kang atat.

5.) Learn to let go. Pakiramdamam mong mabuti kung friend lang ba tingin nya sayo. ikaw lang makakapagsabi nyan. Kung alam mo sa sarili mo na ayaw sayo ng girl, oh boy. wag ipilit ang sarili, try mo wag magparamdam ng ilang weeks. Pero pag tinext ka or ni-chat ka ng girl kung bakit di ka na nagpaparamdam. Alam na this! napakalaki ng chance na... na nahuhulog na din loob nya sayo.

6.) Ang pagkikita. Oo, yayain mo na sya kumain sa labas. Pero tanungin mo muna kung di sya busy. Mag set na kayo kung saan kayo kakain. Ang babae kase pag tinanung mo kung san gusto kumain sasabihin lang "kahit saan" haha. Ikaw gumawa ng desisyon kung saan kayo kakain. At dahil first date nyo at ikaw lalake, ikaw dapat gumastos.

Tip: Mas maganda kung planado na ang mga topic na pag-uusapan nyo. mag-isip kana ng mga itatanong or pag-uusapan nyo. Then after kumain saan kayo pupunta? It's up to you, kung sa SM kayo nag-date, try nyo mag quantum. Ask mo din yung girl kung kumakanta ba sya. Kung kumakanta ka, pakitang gilas na aba! maglaro din kayo sa quantum yung basketball dun haha.

  1. Ang paghatid. Oy, first date pa lang yan huh. wag na magpunta kung saan-saan haha. kung payag yung girl na magpahatid sa house nila. Ihatid mo, pero usually di yun posible. Kaya ihatid mo na lang sya sa sakayan. Then text her na "Ingat ka <3" naks.

Ayan lang ang maipapayo ko, pero nasasayo pa rin yan kumpadre. Make the best out of it. Good luck sa panliligaw!


Did you like the post? Help the author stay up! any amount will be a great help :) Just click the link below