Ang Hardinerong Tipaklong (Buod)

enter image description here

Kwento Ni Dr. Rose Torres-Yu

Disclaimer: This post is for educational purpose only. This work is copyrighted by the author.

Kilalang-kilala si Mang Anton sa nayon ng Palong-Palong. Siya ang may pinakamagandang halamanan doon.

Isang umaga, natigil sa pagdidilig si Mang Atong. “Ano ang nangyari rito? Bakit kayo nagkakagulo? Tanong ni Mang Atong. “Dumating po si Tipaklong na gutom na gutom. Kasama niya ang tropa at dito sila lumusong,” sagot ni Ilang-Ilang.

Madaling-araw lumulusob ang mga iyon habang masarap ang kaniyang tulog. Pinaalala niya kay Aling Bebang na gisingin siya nang mas maaga kinabukasan.

Tahimik at malalim ang idlip ng mga pananim. Dahan-dahan siyang naglakad papuntang gulayan habang nagmamanman.

Maingay at nagkakagulo roon. “Dito naman pala nagpista ang mga tamad!”

Hindi natulog si Mang Atong nang gabing iyon. Walang mintis ang kanyang patibong. Habang kumakain ng sariwang kangkong, nahuli si Tipaklong. Takbuhan naman ang mga kasamang kampon. “Huwag kang mag- alala, pakakawalan din kita,” sabi ni Mang Atong.

“Maawa ka na, magugutom ako dito. Huwag mo akong ikulong. ”

Kung papayag ka, pakakainin kita. Kakalagin ko na rin ang tali ng iyong mga paa. Pero magtrabaho ka, kapalit ng pagkain at pagtira. ” Bumilis ang takbo ng dugo ni Tipaklong. “Kahit ano, gagawin ko,” malakas ang kanyang tugon.

Binungkal niya ang lupa at dinilig ang mga halaman. Tumutulong si Tipaklong kay Mang Atong araw-araw mula noon. Naging kaibigan niya si Petsay,Talong, Sigarilyas at Okra. Kapag oras ng pahinga’y nagkakantahan sila habang naggigitara siya.

Minsan silang inabutang ganoon ni Mang Atong. Sa isang kumpas, huminto ang lahat. Nakahanda sila sa galit na akala. Ngunit, ngumiti iyon at nagsabing “Magaling ka palang tumugtog. Kung magtatagal ka pa, ibibili kita ng gitara. ”

Ngumiti ang mga mata ni Tipaklong. Mula noo’y sumipag pa siyang lalo.

Laging nakatawa si Gumamela. Madalas kumakanta si Okra. Tuwi-tuwina’y patalun-talon si Talong. Kaagad-agad namang napapasayaw sina Petsay at Sigarilyas. Mula noon, lalong dumami ang mga bulaklak niyang dilaw at bumilog ang kanyang mga bunga.

Lalong gumanda ang halamanan at gulayan nina Mang Atong at Aling Bebang. Napansin ito ng mga taganayon ng Palong-Palong. Nagtataka rin sila kung bakit lalo pang sumipag at lumakas ang mag-asawa.

Naging bukambibig tuloy sa nayon. Gamot sa panghihina at pagtanda ang pag-aalaga ng halaman.

Isang araw, kinausap ng mag-asawa si Tipaklong. “Labis-labis na ang pagsisilbi mo sa aming hardin. Maaari ka nang umuwi kung ibig mo,” malungkot ang tinig ni Mang Atong. “At hindi sapat ang pasasalamat namin sa pambihira mong sipag,” dagdag ni Aling Bebang.

“Hindi ko gustong umuwi. Ito lang ang aking tahanan,” malungkot ang tinig ni Tipaklong. “Huhusayan ko pa ang pag-aalaga sa mga halaman. Pagkain ko’y sige bawasan. ” Nalungkot ang mga nakikinig na halaman.

“Ito na ang tahanan mo, kung gayon,” masayang tugon ng mag-asawa. Pareho rin ang pagkain ni Tipaklong. Dadagdagan pa ang oras ng pahinga kung kailangan niya. Tumalon nang tumalon sa tuwa si Tipaklong.

Mula noon kapag may nagtatanong, “Ano hong abono ang ipinaiinom ninyo sa halaman, Mang Atong?” Nakangiti siyang tutugon: “Kayo na ang magkaroon ng hardinerong Tipaklong!”


Did you like the post? Help the author stay up! any amount will be a great help :) Just click the link below