Ano ano nga ba ang sintomas ng corona virus (covid-19)

- Posted in Internet by

enter image description here

Ang corona virus ay isang pamilya ng virus na karaniwang nakukuha ng mga hayop. ito ay madalas maging sanhi ng diarhea sa mga baboy at baka bukod dito ay nagiging sanhi din ng respiratory disease sa mga manok. so bakit nga ba ito tinawag na corona virus? tinawag itong corona dahil sa mala royal crown nitong itsura kapag tinignan sa microscope.

Ang corona virus ay mayroong ibat ibang variant at pito nga dito ay maaring makainfect sa tao. Taong 1960s nang madiskubre ang pinakaunang strain ng human corona virus na kung tawagin ay "alpha corona". Hindi man naging pandemic ang variant na iyon ay nagsilbi naman itong batayan ng mga scientist upang pag aralan pa ang naturang virus.

Sino ba naman ang hindi makakalimot sa SARS or severe acute respiratory syndrome na naging pandemic noong 2003. ang sars ay lubos na ikinabahala ng mga bansang malapit sa china. ilang linggo din itong naging headline sa mga pahayagan at telebisyon sa pilipinas. ang sars ay isa ring uri ng corona virus na naging sanhi ng respiratory disease sa mga taong naapektuhan nito at ito nga ay sinasabing nag originate sa southern china na sa di kabutihang palad ay nagtala ng 774 deaths sa labimpitong bansa at dalawa nga sa mga namatay ay nanggaling sa pilipinas.

Dagdag pa natin ang MERS o Middle east respiratory syndrome na isa ding uri ng corona virus na kumalat noong 2012. ibinase ang pangalan ng virus na ito sa rehiyong kanyang pinanggalingan at ito nga ay sa middle east. sinasabing ang MERS ay nanggaling sa mga paniki at nakahawa naman sa mga camels, na alam naman nating marami nito sa middle east. kayat hindi na nakakapagtaka na kumalat din ang virus na ito sa mga taga roon. ang sintomas ng mers ay halos katulad din ng sars tulad ng lagnat, ubo, diarhea at shortness of breath. at as of September 2015, sinasabing 554 naitalang namatay sa virus na ito.

ngayong 2020, marahil ay nabalitaan mo na itong wuhan virus o mas kilala ngayon sa tawag na "covid-19" na isa ring uri ng corona virus. ang wuhan virus ay sinasabing nag originate sa syudad ng wuhan sa china at unang nadiskubre december 2019. sa isang sea food market sa wuhan, sinasabing ang apatnaput apat na taong nagpunta o namili dito ay biglaang na lamang nagkasakit at nagkaroon ng pneumonia. ang pagkakaroon ng sakit ng mga ito ay naging misteryo sa mga taga roon hanggang sa magumpisa nang mag imbestiga ang mga otoridad. Kilala ang naturang market sa pagiging unsanitary nito.

ayon sa mga residente ng wuhan, ang market na iyon ay kilalang tindahan ng mga seafood at wild animals na karaniwang kinakain ng mga taga roon. kabilang na dito ang paniki, daga, mga reptiles at iba pang wild animals. Kahit nga ang aso ay kinakain ng mga tao roon.

katulad ng ibang variant ng corona virus, ang wuhan virus ay may sintomas tulad ng ubo, lagnat at hirap sa paghinga at nagiging sanhi ng pneumonia. nagdudulot din ito ng organ problems kapag lumala. kahit antibiotic ay sinasabing walang bisa sa wuhan virus kayat hindi talaga maiiwasan na mag utos na ang world health organization na i lock down muna ang syudad ng wuhan. ang transportation bago mag 10am ay sinuspinde at pinagbabawalan ang sinumang taga roon na lumabas ng syudad. maari makahawa ang wuhan virus sa pamamagitan ng skin contact at pati na rin sa hangin.


Did you like the post? Help the author stay up! any amount will be a great help :) Just click the link below