MARVICRM.COM

Home / Alamat ng Araw at Gabi (Buod)

Alamat ng Araw at Gabi (Buod)


Source: Google Images


    Alamat ng Araw at Gabi

Noong unang panahon may mag asawang ang pangalan ay Adlaw at Bulan. Masaya silang namumuhay noon. Dahil dito ay puro liwanag at walang dilim ang makikita sa kapaligiran

Sila ay nagkaroon ng maraming anak.  ang kanilang anak ay mga tala at bituin na nagkakalat kung kaya’t lalong nagliwanag sa kalangitan.

Minsan ay nagkagalit nang malubha ang mag-asawa na humantong sa paghihiwalay.  Pinamili ang mga anak kung kanino sasama.  Sapagkat mas mabait ang ina, sa kanya sumama ang lahat ng mga tala at bituin.  


Walang nagawa si Adlaw kundi tanggapin ang kanyang kapalaran.  Simula noon, kapag araw mag-isang nagbibigay liwanag si Adlaw.  

At kung gabing madilim tulong-tulong na nagpapaliwanag ang mag-iinang Bulan, mga tala at bituin.



Iba pang Alamat baka gusto moding basahin;

    Alamat Ni Prinsesa Manorah (Buod)

   Cupid At Psyche (Buod)